Monday, January 03, 2011

RPG Metanoia


Too early to go home after a long day at office, Neil and I decided to watch this first ever 3D animation from Star Cinema (haha parang endorser lng kelangan pa banggitin ang producer). And wait ung 2D lang ang pinanood namen.hehe We are not expecting too much from this movie pero it turned out na 'WOW panalo!'

RPG Metanoia is the stroy of Nico (voiced by Zaijan, si Santino ^^) , an eleven year old boy who lives a normal child’s life (but not so normal, kasi lage lang syang nasa pc, walang social life, kaya may pagka-lampa)hehe. His world becomes different when he plays the MMORPG (Massively Multi-players Online Role Playing Game) called Metanoia. In the game he is “Zero”, a vagabond armed with a magic yoyo. He has a set of friends who also plays Metanoia with him (Bobby, Daniel, Bryan, Mark and May). Then conflict arises when a virus invades Metanoia and the 'barkadahan' was forced to defeat the 'bad guy' Sargo. ^^

Sobrang na-enjoy ko yung movie. Kahit hindi ako gamer ng kahit anong RPG, sakto talaga galing ng pagkakagawa! ^^ at napak-simple ng naging solusyon. May good thing din palang naidudulot ang pag-hang ng pc. bwahahaha

Thursday, December 30, 2010

December 2010 happenings

Grabe natabunan na ko ng post sa sobrang ka-HECTIC-an ng sked ko. Kaw na ang maging artista.hehe Dahil dyan isa isahin naten ang mga kaganapan sa buwan kung san lahat ng tao ay nagiging generous. ^_^ Simulan naten sa pinakalatest.

December 28 - MMFF - Tanging Ina Mo (last na 'to!)

Nanood kame nila Dade, Oma at Eloi sa Robinsons Imus, after kong mag-open ng account sa Planters Bank Imus para sa payroll account ng aking pagging ahente.bwaahaha Si Mama ay di nakasama, taong bahay sya kasama si Haru kasi iiyak si Haru pag walang tao sa bahay. Maarteng aso, paimportante.hehe Nilibre kame ni Eloi, pablowout nya galing skanyang bonus.haha

Nakakatawa as usual na may drama ung pelikula, syempre pampamilya, may konting kirot sa puso. ^_^ Panalo ang tandem nila Uge at Ai ai, isama pa si Momay ang matandang bata.haha Sayang hindi pa din sila kumpleto, si Heart wala talaga at hindi nakasama sa pelikula.

Namili na rin kame ng lusis at fountain para sa pagsalubong ng New Year! wuhooo! ^_^

December 26 - 27 - Binyag ni G-Yu and then bonding with Bu ^_^


From binyag ni G-Yu (Gene Yuan Lim-Anot) at lumafang sa Dampa para sa reception ng binyag, gora kame ni Neil sa GB3 para manood sana ng 'Tanging Ina Mo' pero uber puno na hanggang last full show kaya move kame sa next movie na may available pang seats at un ay 'Agimat at Enterng Kabisote'. Kumain muna kame sa Fish&Co (oo kain na naman!haha) habang hinihintay ang start ng movie. Pero hindi rin namen naubos ang food namen, dami kasi.haha Kaya nitakeout nalang.


Ayun dalawang bida sa isang pelikula kaya sobrang hati ung pinapakitang scenes, dapat patas sa exposure.hehe Maganda naman, tamang tawa at halakhak.hehe

After ng movie nag-overnyt samen si Neil dito sa Cavite, tapos kinabukasan paggising ay naglaro ng Jarapon party 12 board games at monopoly cards. Hapon ang instructions kaya sa drawing sa manual nalng kame ngbebase, sariling rules na lang.hahaha Ang saya ng Majong ni Doraemon! ^_^

December 24 - 25 1st Christmas sa Cavite

First ever Christmas dito sa new house, dining table at puzzle mats, solve na! Nagleave na ko ng December 28 - 30 para bonggang bonggang bakasyan sa January 3, 2011 na ang balik ko sa office. Medyo magastos sa pamasahe dito kasi trike lang ang way para makarating dito sa subdivision namen from Kalayaan - Centennial or from Bucandala, 15 -20 pesos ang isang tao, tapos pag special ka pa 50pesos!! wah ubos ang salapi T_T, kaya mas ok pa naman magstay na dito, pag lalabas ay bilhin na ang lahat ng needs.hehe

Christmas dinner with family nung Eve then on the 25th ay dumating sila Tito Felix kasama ang mga pinsan namen, so mas ok kasi dumami ang tao dito at umingay.hehe Happiness vaccine injected! haha


December 22 - Birthday ni Eloi

Bday pero wala akong kuhang pix, pagdating ko ng bahay from office ay nakauwi na pala sila Sam.haha So kain nalang at tulugan na, gift ko naman na sknya ung Ipod Shuffle na napanalunan ko. :) May Christmas pa naman.

December 18 - 20th Monthsary slash Christmas Gift


Weeeeeeeee ang saya ng gift! Meron na ko sa wakas ng lens, my 1st telephoto lens plus LX3 adapter, more lens to come!hehe Thanks Bu! mwaaaaah! Happiness!! ^_^

Lulu with adapter and lens (side view)

Lulu with adapter and lens (front view)

December 17 - AMD1 Christmas Party
Super sayang Christmas party!!! At swerte ko sa Christmas party na to. Ako nanalo ng Ipod Shuffle na nidonate ni IYT, actually si Sir Ele talaga ang nabunot pero nidonate nya din. Kaya swerte ko lang talaga.hehe

Since tipid mode kame sa budget, gumawa nalang kame ng improvised photobooth which is hindi naman nalalayo sa totoo, kulang lang namen ay booth.haha Patok din ang pa-BINGO namen, uy nanalo ako dun ng 100pesos.hehe At wish granted din para sa aking wish na puzzle mats c/o Raine. ^_^ . And wait there's more nanalo din pala ko ng cash prize sa raffle worth 200.haha

Here are some of the pix ng fun fun fun Christmas party namen! ^_^


panalo ako ng Php200!! ^_^


ang aming improvised photobooth


Go lafang! ^_^




mga kuha sa photobooth ^_^

ang napanalunan kong Ipod Shuffle

December 12 - 5months na since ng nawala si Rassie


We miss you Rassie!! T_T 5months na since July 12, ahuhu ang saket pa rin sa dibdib (saksak puso tulo ang dugesh) hinde ko pa din ma-let go si Rassie..hay.. Sana ok ka lang Rassie kung asan ka pa man. Lord wag nyo pong pabayaan si Rassie T_T. Mag-new year na naman ata maraming putukan, takot pa naman ung sa putok...waaaa sana nasa mabuti ka talagang kamay Rassie. We love you and miss you...


December 09 - CheVin wedding and then Basagan sa Central ^_^

Post ko nalang ung pix, uber saya e! haha Congrats and Best Wishes Che and Melvin! ^_^



Super Frens + Kwentuhan + Badtrip + Badtrip + Squeeze Me + BadBoy + Isaw + Chicharon Bulaklak = Fun Fun Fun at bagsak sa kama.haha


December 05 CheVin Pre-Wedding Celeb

Since hindi namen mapaghiwalay ang dalawa, silang 2 na ang idespedida naten sa pagging single.hehe Kala namen alasdose na tayo mag-sstart sa tagal nilang dumating, gutom na kame nun!! haha We're sooo happy para sa inyo Che at Melvin! ^_^






December 03 - MTI Christmas Party
It's a Hat Party! Buti may angry cat hat si Eloi at yun na lang ang sinuot mo matching it with black printed leggings, white top with black embelishment and yellow jacket. Hindi ako swerte sa araw na to pero si Neil ay nanalo sa raffle ng 500gb WD Passport! ^_^ Si Loo ung nanalo ng best Hat kaw ba naman mgsuot ng mala-Flinstone Era e.hehe Kabog silang lahat.





Yown natapos din ang napakahabang December! New year na ang next! Nawa'y maging maganda ang new year nateng lahat! ^_^

Tuesday, November 30, 2010

my amnesia girl


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Apollo: Bakit ba hinahanap ang isang tao?
Peachy: Kasi gusto mo siya?
Apollo: Hindi, kasi nawawala.
Irene: Bakit? Nawawala ba ‘ko?
Apollo: Hindi, pero hindi ka kasi mawala sa isip ko eh.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin ‘yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“May MMDA ba dito? Nagkabanggaan kasi ang puso natin.”
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

OMGEEEEEE!!! uber haba ng pila nung papasok na sa sinehan! Hindi namen iniexpect un. 1st working day of the week at ang dami talaga. Buti sa 3rd row at gitna pa kame nakakuha ng seat ni Neil, free seating kasi.

Nakakatawa, nkakakilig at nakakaiyak... sabihin ng jologs ako (totoo naman.hahah) pero sobrang natawa talaga ko sa movie na to at gustong gusto ko sya.hehe Bat ganun pag sila Toni at John Lloyd ang humihirit ng cheesy lines keri lang, heheh kulet nilang dalawa. Akalain mo yun klik din ang tandem nila. ♥

At buti nalang hindi naman pala ito mala-50 first dates... iba naman pala ang story.
Patawa din ung mga usapang lalake nila John Lloyd with tropa, ayos ung barkadahan nila,hahaha saktong sakto sa kakuletan.

Super fun fun fun movie na may haplos sa puso.winner! ^_^

Thursday, November 18, 2010

pink roses

Weeeeee! Happy 19th monthsary Bu and thanks sa pink roses! nasurprise ako at may ganito pa. ^_^ more months and years to come! I love you! mwah! *hugs&kisses*




........... (●̮̮̃•̃)_ (●̮̮̃•̃) .............
........bu /█\ ♥ /█\ boo.........

Monday, October 18, 2010

SM Scholars Alumni Homecoming


'Many are called, few are chosen'

Yan ang tag line ng mga SM isko at kahapon ay nagkita kita ulet! SM isko reunited! wuhoooo From batch 1997-2010 ang mga nagsipunta. Ang saya saya! uber! ^_^ Syempre san pa ba gaganapin ang event na to kung di sa SMX, MOA. Panalo ang venue, red carpet galore.hehe

Sayang hindi nakapunta si Tito Henry Sy, hindi tuloy namen sya nakantahan ng Happy birthday kaya tuloy ung cake nya ay nimurder namen.haha Dahil sa kaadikan magpicture picture kame nila Jaja, Jaysa, Chacha ay naiwan pa at ayun samen pinaubaya ang napakalaking cake.hehehe Meron pa din ibang isko na naiwan, kaya kasama sila sa pagmurder namen sa cake.heheh sarap! ^_^

May paraffle din pala, ayun olats! T.T Kahit 500 na GC ay mailap saken. Kahit sa Human Bingo na game ay talo pa din.huhu hahaha Anyway winner pa din naman kasi sobrang saya talaga. Nakita ko ulet ung mga prof namen sa East Asia na mga iskolars din. Tapos everytime na magtatawag for picture taking lage eksena kameng mga taga-East Aisa.haha Kahit hindi mga taga-East Asia nakiki-East Asia na din.Mga adik sa picture!

Nagkaron din kame ng chance para makapagpapicture kasama sila Harley Sy (anak ni Tito Henry), Debbie Sy (pamangkin?), at Tita Fely Sy (ang esposa ni Tito).

no.215.. ahuhu talo sa raffle T_T

picture muna sa tapat ng registration

yown! binyagan ang photo wall

kasama ang mga kabatch ko.. Batch 2005!!! ^_^

with kuya Harley Sy ^_^

with ate ate Debbie Sy and Tita Fely Sy. hihi

ang mga magaganda. ^_^

ito pa! :)

frenships! :)

rampa sa red carpet

ito pa!

mga yumari sa cake. hehe

Para sa ibang pix pa, check nyo nalang sa FB or Multiply ko. ^_^
Hanggang sa susunod na Homecoming ulet! Maraming maraming salamat sa SM Foundation at syempre sa Sy Family. Nawa'y marami pa kayong matulungan na mga tulad namen. Love you all! ^_^