"Hindi dahil nagpapakatotoo ka, tama ka!"
Ayos! I love that line!!! hehehe I've just heard it from one of the housemates of PBB teen edition saying to another housemate, sa isa sa mga komosyon na naganap nun. I don’t know what they are arguing about kasi nde ko naman nasubaybayan un but that line got stuck in my head. Siguro dahil sa araw araw na ginawa ng Diyos applicable ung line na yan.
Totoo nga naman may point sya dun. Hindi ibig sabihin na nagiging totoo ka sa sarili mo lahat ng actions na ginagawa mo tama na. Ok fine ginagawa mo nga ung sa tingin mo ay tama pero 'ito nga ba ay tama rin sa iba?'. Ok nga naman na maging totoo ka sa sarili mo pero dapat ready ka rin accept yung mga criticism na marereceive mo from other people. Kasi hindi nman tau perfect di ba? At hindi naman iisa ang iniisip at gusto ng tao. Minsan sa pagpapakatotoo naten may naaagrabyado na tau, minsan sadya minsan hindi.
Being true doesn’t allow us to hurt other people, but if we did take time to think and take responsibilty in whatever actions we made. Lahat may kanya kanyang opinion, kelangan lang matuto tayong tumanggap at magbigay. Pero as a whole ayos yan, be yourself, show your true self. In that way mas magiging magaan ang pagtakbo ng buhay mo.
No comments:
Post a Comment