Sunday, August 03, 2008

32nd National MILO Marathon (Manila Leg)

Whew!!! sarap tumakbo habang bumubuhos ang malakas na ulan!! hehe Kanina maaga kame nagising dito sa bahay para pumunta dun sa Luneta. Nagjoin kasi kame sa marathon. Kasama ko sila Dade namen, Oma at Eloi. Lets get physical talaga ang drama. Sa jip pa lang mga kasabay namen mga estudyante na papunta din dun. dumating kame dun mga 5:30 AM, dami tao kamusta nman?! tpos biglang bumuhos na ang malakas na ulan, ayun basa kame kasi wla kame dala payong, kht naman un may mga payong basa din.hehe

By 6:00 AM, ayan na start na, takbuhan na!!! halo halo na to! May mga categories nga pala: 3K kiddie run, 5K fun run, 10K run (Metro Manila leg), 21K half marathon for the provincial elimination races and 42.195K open Metro Manila elimination race and a 42.195K final race. Cempre kame sa 5k lang. Bwat shirt na suot namen malalaman kung san category kame. bsta ung pang 10k at 42k mga naka-sleeveless... cempre mga malulufet na athletes na talaga yun.

Habang tumatkbo kame, pero mostly lakad lang talga kame.hehe Dami mga nakakatuwang eksena...

una kamusta nman ang mga kabataan na babae tatakbo lang kelangn naka-ribbon pa, ung Blair headband, ayos porma kung porma.

tpos un iba tumatakbo nakapayong pa din, e mababasa at mababasa ka pa rin nman tlga, pero pinanindigan talaga, so payong all the way!

pag may camerang sumusunod, biglang naghihiyawan tapos poposing at kakaway.haha

tapos ung may mga naghubad na ng sapatos, kasi cempre nabasa na ung loob.. hala cge takbo ng nakayapak habang bitbit ang sapatos.hehe

at meron ibang gurls retouch pa din ng retouch, kamusta ka nman ineng kahit ilang pahid ng powder jan sa muka mo mbabasa at mababasa yn.haha

tapos un iba na pabalik na, namimigay nung tali sa kbilang syd na papunta pa lang.. ung tali kasi ung proof na umikot ka nga talaga at nde ngshortcut lang.. basta kung ano ano pang eksena.hehe

Super enjoy talaga, kanina na lang ule ko naligo sa ulan ng ganun.hehe ayos nga nde ka magpapawis habang tumatakbo kasi free shower kagad from heaven. ^_^

After one hour nakarating din kame sa finish line at nakuha na nmen certificates namen!! may mga nameet din nga pala kameng kakilala habang tumatkbo at nakameet din kame ng mga new friends kaya lang puro bata, napagkamalan pa nga akong hayskul lng.hehe Astig nga nun iba, pang 10k ung tinakbo nila pero kasabay lang din namen sila natapos.. Pero mas mhuhusay ung mga nasa 42K, takbo kung takbo talaga.

After ng takbo namen, nagbreakfast muna kame tpos naglibot libot at picture picture. Nakita namen dun si Tuesday Vargas pero di kame nakapagpapicture tapos sunod nameng nakita si Karen Davila, ayon nakapagpicture kame hinarang kasi ni Oma tpos ayun smile na sya and then tumabi na kme ni Eloi.hehe Naghahanap pa nga kame ng ibang celebrities, pero kame ay nabigo na.haha malamang mga nasa sasakyan na nila un mga un kaya nde namen sila mahagilap.hehe

Pero sad part, nun kunin ko ang fon ko sa bag, wah basa ang loob ng bag at basa ang fon ko!!! wah nde ko ma-On, pinasok ng tubig ang LCD wla na di na tlga mbuksan. wah sana maayos pa sya dahil ayoko na ng ibang fon at wla ko pera pambili ng bago.ahuhu skwater na nman tuloy ako sa isang telepono ni Eloi :(

Pero going back sa takbuhan, bago kame umuwi tumambay muna kame sa finish line, wla lang pinipicturan kasi namen ung mga nkakatapos sa 42K.hehe feeling press people din kame. nakita ko pa dun ang ninong at ninang ko kaya un nakisakay na kame sa knila pauwi.ayos!!! haha

Sa next year ule! tara sama din kayo samen, promise masaya! ^_^

3 comments:

Anonymous said...

pa-try nga kung meron nang avatar. haha

tmar said...

haha wla pa din.. nde tlaga pde dito ung gravatar n yn

tmar said...

sinabi ng hindi pde.kulet! haha