Monday, October 18, 2010

SM Scholars Alumni Homecoming


'Many are called, few are chosen'

Yan ang tag line ng mga SM isko at kahapon ay nagkita kita ulet! SM isko reunited! wuhoooo From batch 1997-2010 ang mga nagsipunta. Ang saya saya! uber! ^_^ Syempre san pa ba gaganapin ang event na to kung di sa SMX, MOA. Panalo ang venue, red carpet galore.hehe

Sayang hindi nakapunta si Tito Henry Sy, hindi tuloy namen sya nakantahan ng Happy birthday kaya tuloy ung cake nya ay nimurder namen.haha Dahil sa kaadikan magpicture picture kame nila Jaja, Jaysa, Chacha ay naiwan pa at ayun samen pinaubaya ang napakalaking cake.hehehe Meron pa din ibang isko na naiwan, kaya kasama sila sa pagmurder namen sa cake.heheh sarap! ^_^

May paraffle din pala, ayun olats! T.T Kahit 500 na GC ay mailap saken. Kahit sa Human Bingo na game ay talo pa din.huhu hahaha Anyway winner pa din naman kasi sobrang saya talaga. Nakita ko ulet ung mga prof namen sa East Asia na mga iskolars din. Tapos everytime na magtatawag for picture taking lage eksena kameng mga taga-East Aisa.haha Kahit hindi mga taga-East Asia nakiki-East Asia na din.Mga adik sa picture!

Nagkaron din kame ng chance para makapagpapicture kasama sila Harley Sy (anak ni Tito Henry), Debbie Sy (pamangkin?), at Tita Fely Sy (ang esposa ni Tito).

no.215.. ahuhu talo sa raffle T_T

picture muna sa tapat ng registration

yown! binyagan ang photo wall

kasama ang mga kabatch ko.. Batch 2005!!! ^_^

with kuya Harley Sy ^_^

with ate ate Debbie Sy and Tita Fely Sy. hihi

ang mga magaganda. ^_^

ito pa! :)

frenships! :)

rampa sa red carpet

ito pa!

mga yumari sa cake. hehe

Para sa ibang pix pa, check nyo nalang sa FB or Multiply ko. ^_^
Hanggang sa susunod na Homecoming ulet! Maraming maraming salamat sa SM Foundation at syempre sa Sy Family. Nawa'y marami pa kayong matulungan na mga tulad namen. Love you all! ^_^

Director's Club experience

Kahapon bago ako umattend ng Alumni homecoming nameng mga SM isko ( isko short for iskolar), nagliwaliw muna kame ni Neil sa MOA. Since 5pm pa naman ung homecoming nagkita muna kame. ^_^ Pagdating namen sa MOA, umattend muna kame sa mass sa church dun. Si Father kinarir talaga ang sermon kasi naman bago maghomily ay nanermon muna sya about sa mga bata na sinasama pa ng mga magulang sa simbahan pero nag-iingay lang naman.hehe Strict si father, katakot. Ako nga nagtatago sa likod ni Neil baka kasi makita nya ko, e nakashorts pa naman ako, baka madamay pa ko sa sermon,hehe Anyway natapos ang mass at after namen makipagdate kay Lord, go naman kame sa mall para manood ng movie ^_^

At ito na nga yun, ang gusto lang naman namen ay manood pero hindi naman sa kamahalan. Pero ung RED na movie kasi ung next na sked na pde kame ay 2:15. Kaya nung kame na sa cashier sabi namen 'RED, Director's Club 2:15', tapos sabi ng babae '700' O_o Si Neil kumuha na ng pera at binigay sa babae. After nun bigla namen naisip na parang nag-IMAX lang din kame.haha Napasubo kame! Anyway wala na nabayad na kaya ok fine sana lang talaga sulit.hehe Kumain muna kame ng lunch sa Tempura. Nyam!!! Maki, tempura at chicken teriyaki!!! ^___^

the fight for maki begins!!! hahahaha



After mabusog gora na kame sa cinema. Nakahiwalay ang Director's Club sa regular na cinemas, padating namen dun, meron na rin mga tao na naghihintay sa receiving area. Then after ng ilang minutes, inassist na kame at kinuha ang tix namen. At tadaaaa 30-plush and fully-reclining La-Z Boy armchairs with side tables ang bumulaga samen. wuhoooo! sa tingin palang mukang sarap humiga dun.hehe Pag-upo, nirecline ko kagad at akoy nahiga.haha sarap!!! Walang trailers na pinalabas habang andun kame, kaya ninamnam muna namen ang lambot ng aking hinihigaan.haha At kamusta naman meron na ngang nakatulog at nahilik pa.bwahhahahha Makalipas ang ilang minuto ay nagstart na rin ang movie. Panalo naman ang RED na panoorin sa ganitong cinema, sulit ang gastos. Magandang pelikula plus magandang panooran, Winner!!! Astig ng RED (Retired Extremely Dangerous) action na comedy pa.hehe Ayos sa casting din tapos mas ok kasi may babae na kasama sa RED team,hehhe. Basta maganda talaga!! ^_^ May kasama nga palang popcorn and drinks ung tix, kaya mas ok ang panonood.hehe Niserve samen yun habang nanonood na. Sabi namen ni Neil, gusto namen ng La-Z Boy pag nagkaroon kame ng entertainment room,hahaha Nangangarap na naman.


Matapos ang napakasarap na panonood, since malapit na rin mag5pm nun, pumunta na kame sa venue ng homecoming namen, sa SMX. Tumambay muna kame dun ni Neil sa mga sofa dun habang hinihintay ko ung iba kong co-isko. At dun na rin ako nag-change costume.haha




Nung nagregister na kame ng mga co-isko ko sa para sa homecoming, uwi na si Bu. Napakabilis pero parang napakahaba din ng araw na yun tapos parang 2nd day na ung homecoming.haha Thanks Bu sa liwaliw mode naten ^_^

Monday, October 11, 2010

kain kain

Kanina nung pa-out na kame ni Neil sa office sabi ko nagugutom ako..kaya ayun at napadpad kame sa G5 at nitry namen ang Army Navy ^_^ Nitreat ako ni Neil kasi wala ako pera, bukas pa ang sweldo.haha Thanks Bu! mwah ^_^ Try nyo ang burger nila, ang sarap!!! pati ung onion rings at quesadilla, solve ang gutom ko.hehehe


Ang pakikipagsapalaran namen ni Jen

From last na punta ko sa bahay namen sa Cavite, nameet ko si Ate Sheryll under ng Hore Group (Broker ng bahay ang role nila) at inalok nya akong maging Agent ng bahay. Magdadala lang ako ng gusto bumili ng bahay at pag nagpareserve at tulot tuloy na bilhin ung bahay ay magkakaron ako ng komisyon. $_$ haha

So tinext ko agad si Lein since sabi nya like nya ring magtingin ng house, pero nung araw na pupunta na ay nagsabi sya na pass muna kasi anniv ng papa at mama nya, gagawan nya ng cake. Anyway buti na lang itong si Jen ay nahikayat ko din kaya kameng dalawa nalang ang pumunta sa Lancaster. Nimeet namen si Ate Sheryll sa SM Bacoor at dinala nya kame sa mga model units ng Lancaster under ng ProFriends (developer ng bahay). Ito ung developer namen. :)

Ang gaganda ng mga model units, andun pa din ung Manor House like ng amin, pero ubos na raw ung units nun. Kaya ang pinakabago nila ay ung Arden House, townhouse type din at mas malaki ang lot at floor area compared samen. Tinignan din namen ung Colleen at Haven, at ung ang mga bonggang bahay! Winner! 4Bedrooms and 2Bathrooms, grabe ganda pa ng pagkaka-interior ng bahay. Gusto ko din ng ganun para sa house namen. Puro salamin.Ganda talaga! ^_^

Para masilip nyo ang mga nakita namen ni Jen. Ito ung ilan sa mga pix!!! Halo halo na yn, Manor, Arden, Colleen at Haven.










After ng aming paglilibot ni Jen, nagpahinga muna kame sa bahay. Ayan nakita na ni Jen ang bahay namen sa Cavite,hehe Dahil tamad kame magluto ng pancit cantoon, bumili nalang kame ng footlong at coke. After lumafang at chikahan, nilibot namen ang subdivision at niyurakan namen ung mga bahay na chaka ang bakod.bwahahha

Hindi na rin kame masyado nagtagal at dumidilim na kaya umalis na kame at punta ng Divisoria. Sa bus palang ay nakaramdam na kame ng gutom kaya pagdating sa Divi, lumamon muna kame, nagTokyo Tokyo na kame para may free rice.haha Lamon kung lamon. Nakabili ako ng isang dress at tig-isa kame ng skirt ni Jen. Hindi na rin kame nakapamili masyado dahil ngsasara na mga stalls sa 168. Nakakapagod pero fullfilling.hehe Next time nalang ulet, dapat talaga pagpupunta ng Divi, whole day. ^_^

Uy Jen bumili ka na ng bahay para may komisyon ako! haha

Sunday, October 10, 2010

my babies

Ito na ang mga anak ko!!!! ang bait ni Lulu nipicture-ran ang mga kapatid nya.hehe Tama ang inyong nakikita hindi sila mga bata kung di mga camera. ^_^ Kamusta naman anim na pala sila.hehe Lima dyan ay film cams, nabibilang din sa Lomo cam. ^_^

Naalala ko dati nung nakakita ako ng mga naaadik sa Lomo, sabi ko ba't kelangan pang bumili nun, e isang effect lang ang nagagawa, tapos aksaya pa sa film. Ayan ngayon supalpal tuloy ung comment ko na yun sken.hahaha Naadik din ako sa mga camera. ^_^

Para makilala nyo sila, isa-isahin naten...

(photographed by Uno (pinsan nila, ung Nikon D60 ni Oma) ^_^

Clack Clack - sya ang panganay sa lahat ^_^ Regalo sya ng mga MTI friends ko, weeeee so saya nung nakita ko to. Wala talaga sa ideya ko na ganito ang ibibigay nila saken. At dito nagsimula at bigla nalang ako napaGoogle at tinayp ang "Lomo camera".. at tadaaaa ang dami nila, at yun naghanap ako na cam na vignette ang effect (ipapakilala ko sya maya) Pero balik muna tayo kay Clack Clack ^_^. Ito ang cam na maingay at apat agad ang pix na mapoproduce. Isang hit lang sa shutter button maririnig mo ang clack-clack-clack-clack, and tadaaa meron ka ng macro cine shot. Diba nde naman obvious masyado kung baket ganun ang name na binigay ko.hehe At ito ang sample nyan..

(1st shot at ang mga taong yan ang nagbigay ng cam na ito ^_^)




Angel - ang pangalawa kong cam, ultra wide and slim. Ito ung sinasabi ko na vignette ang effect, ung tipong pagtingin mo sa pix may drama agad. ^_^. Sa lahat ng film cam ko ito ang mas ok gamitin pero dapat maganda ang sinag ng araw kasi mas naeenhance ung subject na kinukunan tapos ung corners ay medyo shadowy, vignette nga e.hehe.. ito na ang sample para mas makita nyo ang pinagsasabi ko.hehe







o diba bongga?! ^_^ marami pa kong pix check nyo na lang sa multiply ko (tmar01.multiply.com)

Bulilit - ang pangatlo kong cam, sya ang baby sa lahat dahil sya ay isang baby Holga. ^_^ Pocket-sized 110mm camera na bongga din ang resulta ng picture. Vintage ang dating ng mga kuha nito pero kagaya ng lahat ng lomo dapat talaga ay bonggang bongga ang sikat ni haring araw. Kasi kung hindi puro itim lang ang mapapadevelop mo na picture. Kagaya nangyari sa 2 films ko, halos lahat itim lang,.hahaha At ito naman ang sample nyan.. isa sa mga mapapalad na may maayos na resulta. ^_^

.

Agua - ang pang-apat kong cam! Christmas gift ni Neil saken (yiheee!) Thanks Bu! mwah ^_^ Ito ang waterproof / underwater film cam ko. Isang simple 35mm film cam din sya na may detachable waterproof casing. Ayos to sa beach (obvious?!) at pwede din sa walang tubig. Mas ok kung ung film na gamit ay 400 ISO para mas maganda ang underwater pictures. At ito ang mga sample ^_^







Poleng - ang pang-lima na cam. Ang magaan at stylish na polaroid cam.. ooops bago kayo malito ito ay gawa ng Fujifilm at hindi Polaroid brand ^_^. Ang tawag ng Fuji dito ay mini 7s instax cam. Thanks kay Kuting at pinabilhan nya kame sa friend nya na nasa SG, ayun nabilhan kame! ^_^ (si Kuting ang unang nagkaroon nito sa office namen, naiinggit lang ako.haha) Naaalala nyo ung mga cam dati na may instant developed pix agad na lumalabas sa cam? Si Poleng ay ganun din!, after pagkashot may lalabas na instax film (kasing laki ng credit card) at ilang segundo lang ay tadaaaa may picture ka na! ^_^ Pero kelangan hinay hinay lang sa pagkuha ng pix gamit ang cam na to at medyo kamahalan din ang film (10pcs per pack). Ito naman ang mga samples shots ni Poleng ^_^


Lulu - ang pang-anim na cam! at ito ay digital na hindi na film. ^_^. Ang aking pangarap na camera ay nasa aking mga kamay na! wuhooooo! ^_^ Matagal na paghihintay din at pagtitiis.. pagkakuha ko ng incentive tawag agad sa Hidalgo at kay Kimstore. Matapos ang pagcacanvass ng presyo ay napagdesisyunan kong kay Kim bumili at tadaaaa happy puso!!! ^___^ Lumix LX3 ay napasaakin din!hehe Nung unang nakita ko ang mga pictures na kuha ng LX3, napaGoogle na naman ako at tinignan ang mga features nito! At tama nga ang pintig ng aking puso, ito ang cam na minimithi.. isang compact SLR! Hindi na hassle sa pagdala dahil sa size nya, at competitive din ang resulta ng mga pix, san ka pa?! Idagdag pa dyan ang Scene Mode feature kung saan maachieve mo din ang mala-Lomo effects. Weeeee! soo happy! ^_^ Sa ngayon pinag-aaralan ko pa din ang mga settings para maachieve ko ang Nirvana bwahhaha, ang ibig kong sabihin ang kasiyahan na makuha ang tamang timpla ng mga settings ni Lulu. ^_^. At ito ang ilan sa mga kuha gamit si Lulu.







at cempre ang kuha ni Lulu sa mga kapatid nya... ^_^



at ito naman ang peys ni Lulu


for more pictures pwede nyo makita sa tmar01.multiply.com, ayan ay kung friend ko kayo dun,hehehe
happy shooting everyone! sa susunod na pag clack-clack ulet! ^_^
♥♥♥ i love my babies!