Kagabi habang nanonood kame ng TV, biglang nawalan ng kuryente, wah malas, naisip ko paypay mode na naman at puyatan galore, goodluck sa paggising ng maaga. Pero nung pumunta ako sa kwarto may narinig akong ingay, wang wang ng bombero...waaaah!! may sunog!! as in kitang kitang ko sa likod ng bahay namen. Pero sa totoo isang kanto naman ang layo nun samen. Pero kahit na, sunog pa rin un! At syempre na-switch on ang usisera mode ko, kaya ayun nakiusisa kame nila Dade at pumunta dun sa kung san tanaw ang sunog..wah lakas ng apoy, pero buti mabilis ang mga bombero at napatay agad ang apoy, hindi na nadamay ang iba pang bahay. Thank God talaga at buti na rin hindi mahangin at hindi na kumalat ang apoy.whew!
Pero syempre ang sad part ay tupok ung isang apartment. Wala nasave na gamit kasi wala pala tao dun, baka may nagshort circuit sa loob at yun ang pinagmulan ng apoy. Pero ang good thing wala naman nasaktan kasi nga walang tao nasa lamay daw, ayun ang chika saken ni Dade na nalaman din nya sa mga usisero.hehehe
Hay kawawa naman talaga ang masunugan :(
Nung nanonood nga kame ng pagpatay ng apoy ung ibang malalapita na bahay dun, ayun nakalabas na ang mga gamit at ready to evacuate na rin.. grabe parang pelikula lang.hehe Hay buti na lang talaga okay na ngayon. Sana makarecover na lang ule ung nasunugan.
At dahil sa sunog na yn, kame ay napuyat..halfday tuloy ako.hehe
No comments:
Post a Comment