Monday, October 18, 2010

Director's Club experience

Kahapon bago ako umattend ng Alumni homecoming nameng mga SM isko ( isko short for iskolar), nagliwaliw muna kame ni Neil sa MOA. Since 5pm pa naman ung homecoming nagkita muna kame. ^_^ Pagdating namen sa MOA, umattend muna kame sa mass sa church dun. Si Father kinarir talaga ang sermon kasi naman bago maghomily ay nanermon muna sya about sa mga bata na sinasama pa ng mga magulang sa simbahan pero nag-iingay lang naman.hehe Strict si father, katakot. Ako nga nagtatago sa likod ni Neil baka kasi makita nya ko, e nakashorts pa naman ako, baka madamay pa ko sa sermon,hehe Anyway natapos ang mass at after namen makipagdate kay Lord, go naman kame sa mall para manood ng movie ^_^

At ito na nga yun, ang gusto lang naman namen ay manood pero hindi naman sa kamahalan. Pero ung RED na movie kasi ung next na sked na pde kame ay 2:15. Kaya nung kame na sa cashier sabi namen 'RED, Director's Club 2:15', tapos sabi ng babae '700' O_o Si Neil kumuha na ng pera at binigay sa babae. After nun bigla namen naisip na parang nag-IMAX lang din kame.haha Napasubo kame! Anyway wala na nabayad na kaya ok fine sana lang talaga sulit.hehe Kumain muna kame ng lunch sa Tempura. Nyam!!! Maki, tempura at chicken teriyaki!!! ^___^

the fight for maki begins!!! hahahaha



After mabusog gora na kame sa cinema. Nakahiwalay ang Director's Club sa regular na cinemas, padating namen dun, meron na rin mga tao na naghihintay sa receiving area. Then after ng ilang minutes, inassist na kame at kinuha ang tix namen. At tadaaaa 30-plush and fully-reclining La-Z Boy armchairs with side tables ang bumulaga samen. wuhoooo! sa tingin palang mukang sarap humiga dun.hehe Pag-upo, nirecline ko kagad at akoy nahiga.haha sarap!!! Walang trailers na pinalabas habang andun kame, kaya ninamnam muna namen ang lambot ng aking hinihigaan.haha At kamusta naman meron na ngang nakatulog at nahilik pa.bwahhahahha Makalipas ang ilang minuto ay nagstart na rin ang movie. Panalo naman ang RED na panoorin sa ganitong cinema, sulit ang gastos. Magandang pelikula plus magandang panooran, Winner!!! Astig ng RED (Retired Extremely Dangerous) action na comedy pa.hehe Ayos sa casting din tapos mas ok kasi may babae na kasama sa RED team,hehhe. Basta maganda talaga!! ^_^ May kasama nga palang popcorn and drinks ung tix, kaya mas ok ang panonood.hehe Niserve samen yun habang nanonood na. Sabi namen ni Neil, gusto namen ng La-Z Boy pag nagkaroon kame ng entertainment room,hahaha Nangangarap na naman.


Matapos ang napakasarap na panonood, since malapit na rin mag5pm nun, pumunta na kame sa venue ng homecoming namen, sa SMX. Tumambay muna kame dun ni Neil sa mga sofa dun habang hinihintay ko ung iba kong co-isko. At dun na rin ako nag-change costume.haha




Nung nagregister na kame ng mga co-isko ko sa para sa homecoming, uwi na si Bu. Napakabilis pero parang napakahaba din ng araw na yun tapos parang 2nd day na ung homecoming.haha Thanks Bu sa liwaliw mode naten ^_^

2 comments:

Lein @ blueberrydew.wordpress.com said...

weeee! favorite ko maki nun tempura!

tmar said...

onga kumain n rin tayo dito na ksama si carlo. :)