Sunday, October 10, 2010

my babies

Ito na ang mga anak ko!!!! ang bait ni Lulu nipicture-ran ang mga kapatid nya.hehe Tama ang inyong nakikita hindi sila mga bata kung di mga camera. ^_^ Kamusta naman anim na pala sila.hehe Lima dyan ay film cams, nabibilang din sa Lomo cam. ^_^

Naalala ko dati nung nakakita ako ng mga naaadik sa Lomo, sabi ko ba't kelangan pang bumili nun, e isang effect lang ang nagagawa, tapos aksaya pa sa film. Ayan ngayon supalpal tuloy ung comment ko na yun sken.hahaha Naadik din ako sa mga camera. ^_^

Para makilala nyo sila, isa-isahin naten...

(photographed by Uno (pinsan nila, ung Nikon D60 ni Oma) ^_^

Clack Clack - sya ang panganay sa lahat ^_^ Regalo sya ng mga MTI friends ko, weeeee so saya nung nakita ko to. Wala talaga sa ideya ko na ganito ang ibibigay nila saken. At dito nagsimula at bigla nalang ako napaGoogle at tinayp ang "Lomo camera".. at tadaaaa ang dami nila, at yun naghanap ako na cam na vignette ang effect (ipapakilala ko sya maya) Pero balik muna tayo kay Clack Clack ^_^. Ito ang cam na maingay at apat agad ang pix na mapoproduce. Isang hit lang sa shutter button maririnig mo ang clack-clack-clack-clack, and tadaaa meron ka ng macro cine shot. Diba nde naman obvious masyado kung baket ganun ang name na binigay ko.hehe At ito ang sample nyan..

(1st shot at ang mga taong yan ang nagbigay ng cam na ito ^_^)




Angel - ang pangalawa kong cam, ultra wide and slim. Ito ung sinasabi ko na vignette ang effect, ung tipong pagtingin mo sa pix may drama agad. ^_^. Sa lahat ng film cam ko ito ang mas ok gamitin pero dapat maganda ang sinag ng araw kasi mas naeenhance ung subject na kinukunan tapos ung corners ay medyo shadowy, vignette nga e.hehe.. ito na ang sample para mas makita nyo ang pinagsasabi ko.hehe







o diba bongga?! ^_^ marami pa kong pix check nyo na lang sa multiply ko (tmar01.multiply.com)

Bulilit - ang pangatlo kong cam, sya ang baby sa lahat dahil sya ay isang baby Holga. ^_^ Pocket-sized 110mm camera na bongga din ang resulta ng picture. Vintage ang dating ng mga kuha nito pero kagaya ng lahat ng lomo dapat talaga ay bonggang bongga ang sikat ni haring araw. Kasi kung hindi puro itim lang ang mapapadevelop mo na picture. Kagaya nangyari sa 2 films ko, halos lahat itim lang,.hahaha At ito naman ang sample nyan.. isa sa mga mapapalad na may maayos na resulta. ^_^

.

Agua - ang pang-apat kong cam! Christmas gift ni Neil saken (yiheee!) Thanks Bu! mwah ^_^ Ito ang waterproof / underwater film cam ko. Isang simple 35mm film cam din sya na may detachable waterproof casing. Ayos to sa beach (obvious?!) at pwede din sa walang tubig. Mas ok kung ung film na gamit ay 400 ISO para mas maganda ang underwater pictures. At ito ang mga sample ^_^







Poleng - ang pang-lima na cam. Ang magaan at stylish na polaroid cam.. ooops bago kayo malito ito ay gawa ng Fujifilm at hindi Polaroid brand ^_^. Ang tawag ng Fuji dito ay mini 7s instax cam. Thanks kay Kuting at pinabilhan nya kame sa friend nya na nasa SG, ayun nabilhan kame! ^_^ (si Kuting ang unang nagkaroon nito sa office namen, naiinggit lang ako.haha) Naaalala nyo ung mga cam dati na may instant developed pix agad na lumalabas sa cam? Si Poleng ay ganun din!, after pagkashot may lalabas na instax film (kasing laki ng credit card) at ilang segundo lang ay tadaaaa may picture ka na! ^_^ Pero kelangan hinay hinay lang sa pagkuha ng pix gamit ang cam na to at medyo kamahalan din ang film (10pcs per pack). Ito naman ang mga samples shots ni Poleng ^_^


Lulu - ang pang-anim na cam! at ito ay digital na hindi na film. ^_^. Ang aking pangarap na camera ay nasa aking mga kamay na! wuhooooo! ^_^ Matagal na paghihintay din at pagtitiis.. pagkakuha ko ng incentive tawag agad sa Hidalgo at kay Kimstore. Matapos ang pagcacanvass ng presyo ay napagdesisyunan kong kay Kim bumili at tadaaaa happy puso!!! ^___^ Lumix LX3 ay napasaakin din!hehe Nung unang nakita ko ang mga pictures na kuha ng LX3, napaGoogle na naman ako at tinignan ang mga features nito! At tama nga ang pintig ng aking puso, ito ang cam na minimithi.. isang compact SLR! Hindi na hassle sa pagdala dahil sa size nya, at competitive din ang resulta ng mga pix, san ka pa?! Idagdag pa dyan ang Scene Mode feature kung saan maachieve mo din ang mala-Lomo effects. Weeeee! soo happy! ^_^ Sa ngayon pinag-aaralan ko pa din ang mga settings para maachieve ko ang Nirvana bwahhaha, ang ibig kong sabihin ang kasiyahan na makuha ang tamang timpla ng mga settings ni Lulu. ^_^. At ito ang ilan sa mga kuha gamit si Lulu.







at cempre ang kuha ni Lulu sa mga kapatid nya... ^_^



at ito naman ang peys ni Lulu


for more pictures pwede nyo makita sa tmar01.multiply.com, ayan ay kung friend ko kayo dun,hehehe
happy shooting everyone! sa susunod na pag clack-clack ulet! ^_^
♥♥♥ i love my babies!

2 comments:

aicah said...

ang saya ang dami!!! hehe

tmar said...

saya talaga! ^_^