Tuesday, November 04, 2008

weirdo

Hindi ko lam san nanggagaling at kung ano ang nagtritrigger. Pero sobra bilis ko mainis ngaun. Kilala ko naman sarili ko, ako nga ata ang may mahabang pasensya at lalong keber ako sa kung anuman lalo na kung lam kung nde nman nakakaapekto sa buhay ko. Sa totoo lang mga joke lang naman ung mga iritang banat ko pero iba nung kahapon nafeel ko talaga ung pagkabugnot. Umaga pa lang ng Monday feel ko na ung pagkatamad at katamlayan, na mas ok kung walang kakausap sken. Ni ayaw ko magsalita gusto ko lang mafeel na tahimik. Takte weirdo!!! Tmar lam mo pa ba pinagsasabi mo.bwahaha Wala naman talaga ko problema. Bigla tuloy ako napaisip kung may problema nga ba talaga ako?! Syet meron nga ba?! May mga taong nagpapakita ng concern, nagtatanong.. pero wala naman ako maisasagot dahil wala naman talaga. Thanks sa concern and sorry kung napafeel ko ung kaweirduhan na to.

Ang problema lang siguro ay wala akong problema. Haha ayos labo diba? Kelan pa naging problema ang kawalan ng problema. Ewan di ko din alam. Kaweirduhan nga kasi ang post na to db? Kaya panindigan na lang. ^_^

No comments: